Friday, November 30, 2007

pagnanais

minsan mahirap magbalatkayo
mahirap ikubli ang totoo para bumalik ang
nakasanayan. may pagkakataong matapos--
nasisiguro ko ngunit hindi pa panahon.
Mga nakawiwindang datapwat nakabibighaning
alaala -- mas naiisip tuwing Disyembre.

Na makapiling at makamit, kahit sa sandali
ang panahong nais balikan. Umasa magpakailanman.

Matatamis na ninanais. Mapapait na pangarap.



Masarap lang talagang magsulat ng mga tula't sanaysay lalo na't malamig na ang simoy ng hangin :)

No comments: